Nagbigay ng pahayag sina Klea Pineda at Janella Salvador tungkol sa mga nakapapansin ng sobrang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Kaugnay na rin ito ng nangyaring break-up ni Klea sa girlfriend na si Katrice Kierulf.
"Kung ano 'yung nakikita n'yo online or kahit saan, 'yun na 'yun, basta masaya kami together," sabi ni Klea sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA Integrated News.
Sinabi naman ni Janella na masaya siya ngayon.
"Nakikita n'yo naman kung gaano ako kasaya. Hindi ito 'yung tamang venue to talk about personal matters pero kung ano 'yung nakikita n'yo, 'yun na 'yun," dagdag niya.
Gayunman, nilinaw ni Janella na wala siyang kinalaman sa breakup nina Klea at Katrice.
"Para lang maging klaro, sabi ko kasi magsasalita ko at the right time, eto na 'yun. Hindi po ako part nung breakup, hindi po ako third party. I'd like to exclude myself from that," giit niya.
Did “Open Ending” open something else?
— GMA Integrated News (@gmanews) September 3, 2025
Klea Pineda and Janella Salvador finally speak up on rumors tagging Janella as the third party in Klea’s split with her partner of three years, Katrice Kierulf.
The issue sparked after their closeness while filming the Cinemalaya entry… pic.twitter.com/iotrwaWWiA
Nauna nang sinabi ni Klea na walang kaugnayan si Janella sa paghihiwalay nil ani Katrice, na inanunsyo niya noong Hulyo.
Nagkasama sa trabaho sina Janella at Klea sa pelikulang "Open Endings," na isa sa mga entry sa Cinemalaya 2025. Kasama nila sina Jasmine Curtis-Smith at OPM singer na si Leanne Mamonong.
Taong 2023 nang ihayag ni Klea na lesbian siya, at ipinakilala ang kaniyang nobya na si Katrice.— FRJ GMA Integrated News

