Ganap nang mommy si Lovi Poe matapos na isilang ang first baby nila ng kaniyang mister na si Monty Blencowe.
Nag-post si Lovi ng Instagram Reel nitong Biyernes habang karga ang kanilang anak ni Monty.
"The moment I met you, instinct took over. Welcome to the world, my love," saad ng aktres sa caption.
Nagpaabot naman ng pagbati sa comments section ang mga kapuwa niya celebrities gaya nina Benjamin Alves, Megan Young, Anne Curtis, at marami pang iba.
"Can’t wait to meet the newest addition! Congrats [Monty Blencowe]!" mensahe ni Ben.
"Congratulations babe!!!!! So happy for you and Monty," saad naman ni Megan.
Nitong nakaraang Setyembre nang ianunsyo ni Lovi ang kaniyang pagbubuntis sa isang collaborative Instagram post ng Bench.
Sa naturang larawan ng clothing brand, nakasuot ng underwear si Lovi habang kita ang kaniyang baby bump.
Ikinasal sina Lovi at Monty noong August 2023 sa Cliveden House sa United Kingdom. —FRJ GMA Integrated News
