Bilang isa ring ina, nagpahayag ng suporta si Kylie Padilla sa mga ginawang rebelasyon ni AJ Raval tungkol sa mga anak nito. Si AJ ang kasalukuyang karelasyon ni Aljur Abrenica, na dating asawa ni Kylie.

Sa pahayag ni Kylie na inihayag sa “Fast Talk With Boy Abunda” episode nitong Huwebes, sinabi ni Kylie na masaya siya para kay AJ matapos ang ginawang rebelasyon ng huli sa naturang programa.

“I'm happy that as a mother, AJ feels a sense of freedom for her children. That was very courageous and brave of her,” ani Kylie.

“I'm proud as a mother, too. I know that was the right thing for her to do,” patuloy ng aktres. 

Ayon kay Kylie, maganda ang relasyon ng dalawang anak nila ni Aljur sa mga kapatid nito sa ama sa panig ni AJ.

Una nang inihayag ni AJ na lima na ang kaniyang anak, at tatlo sa mga ito ang anak nila ni Aljur.

“It’s true, sobrang mahal ng mga anak ko ang mga kapatid nila, and that means everything to me and to us as their parents. Labas na ang mga issues namin dun,” sabi ni Kylie.

Sa dulo ng kaniyang mensahe, umaasa si Kylie para sa katahimikan ng lahat at magiging malaya na ang mga anak niya at mga anak ni AJ na lumabas na magkakasama.

“I hope we all find peace and that we also give AJ some empathy. Puwede na sila mag-date magkakapatid nang hindi nagtatago,” dagdag niya.

Nitong Miyerkoles, naglabas din ng maiksing pahayag si Kylie sa Facebook matapos ang unang pag-ere sa panayam ng Fast Talk kay AJ.

"Ito lang po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero s'yempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at 'yun pinaka importante," ayon kay Kylie.

"Happy that now 'di na kailangan magtago. Proud of you. Peace all around. Sana matapos na drama," dagdag niya.

Sa pahayag ni AJ sa panayam, pitong-taong-gulang na ang panganay ni AJ, habang pumanaw naman ang sumunod dito. Ang sumunod na tatlo ay anak na nila ni Aljur.

Taong 2018 nang ikasal sina Aljur at Kylie, at naghiwalay naman naman noong 2021.

Taong 2023 naman nang ihayag nina AJ at Aljur ang kanilang relasyon.

BASAHIN: AJ Raval sa akusasyong kabit siya: ‘Bakit ako ‘yung nagsa-suffer sa kasalanang ‘di ko naman ginawa?’

Sinabi ni AJ sa ikalawang bahagi ng panayam ng Fast Talk nitong Huwebes, na taong 2022 nang manligaw sa kaniya si Aljur, at hiwalay na ito kay Kylie.  — Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News