Guilty ang naging hatol ng korte sa isang security guard ng isang mall dahil sa paghagis niya sa isang tuta mula sa footbridge noong 2023 sa Quezon City, na naging dahilan ng pagkamatay ng hayop. Bukod sa multa, may parusang pagkakakulong ang hatol ng korte.

"In July 2023, a security guard in a mall in Quezon City threw a puppy named Browny from a footbridge, leading to the animal's death. AKF pursued a criminal case and today we the verdict was out - GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT!," saad ng Animal Kingdom Foundation (AKF) sa isang pahayag.

Ayon sa AKF, sinentensiyahan ang sekyu ng pagkakakulong ng mula isang taon, anim na buwan at isang araw, hanggang sa dalawang taon.

"A fine of Php100,000.00. In case accused is unable to pay the fine due to his insolvency, subsidiary imprisonment shall be applied as against him in lieu of the payment of the fine," dagdag pa ng AKF.

Inatasan din umano ang sekyu na magbayad sa may-ari ng tuta ng halagang ?20,000 bilang danyos moral. Ang naturang halaga ay magkakaroon ng 6% legal interest kada taon mula sa petsa ng pagiging pinal ng desisyon hanggang sa ganap na mabayaran.

"May this ruling honor the life that was lost and serve as a warning that ANIMALS ARE NOT DISPOSABLE, and CRUELTY HAS CONSEQUENCES," giit ng AKF.

"We will continue to speak, fight, and demand justice for those who cannot. WE ARE THE VOICE OF THE VOICELESS," dagdag nito. — FRJ GMA Integrated News