Kinagigiliwan ng netizens ang isang alagang aso na ngumingiti sa tuwing tinatawag itong guwapo sa Imus, Cavite.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, mapanonood ang video ng Shih Tzu na si Luffy, na ngumiti nang tawaging guwapo ng kaniyang among si Sarah Pasusani.

Ayon kay Sarah, feel na feel talaga ni Luffy kapag naririnig nito ang salitang guwapo.

Kaya napapangiti rin ang netizens sa video ni Luffy, na meron nang mahigit tatlong milyong views online. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News