Paldong-paldo ang isang mananaya matapos niyang masolo ang mahigit P100 milyon na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw ngayong Martes, Marso 17, 2026.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng mananaya ang mga lumabas na numero na 29-52-49-55-25-09. Umabot ang kabuuang premyo nito sa halagang P100,331,631.91.

Nabili umano ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Cebu.

Samantala, wala namang tumama sa dalawa pang major draw ng lotto na Superlotto 6/49 at Lotto 6/42.

Ang mga numero na lumabas sa Superlotto 6/49 ay 33-09-22-37-44-25, na may premyong P117,854,307.91.

Samantalang ang winning combinations naman sa Lotto 6/42 ay 17-36-05-07-08-38 na may jackpot prize na P15,639,575.61. —FRJ GMA Integrated News