Imbes na gasolina, uling ang inilalagay ng isang motorista sa kaniyang kotse para umandar. Sa harap ito ng pahirapan ng suplay ng mga produktong petrolyo sa kanilang bansa sa Cuba.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang pag-convert sa uling mula sa paggamit ng gasoline sa sasakyan ay ginawa ni Juan Carlos Pino.
BASAHIN: Sasakyan, puwedeng umarangkada gamit ang tubig na 'additive' sa diesel?
Bukod sa mas mura ang uling kaysa sa gasolina, marami rin daw na supply ang uling sa kanila.
Kinabitan ni Pino ng container ang likod ng kaniyang sasakyan na nagsisilbing converter at filter ng mga uling.
Tagumpay siyang nakakabiyahe siya sa kanilang komunidad.
Naging pahirapan ang supply ng langis sa Cuba matapos harangin ng Amerika ang oil shipments mula sa Venezuela simula noong Enero. – FRJ GMA Integrated News
