Inilahad ni Heart Evangelista na isinama niya ang kaniyang “momager” na si Cecilia Ongpauco noong fashion week sa Paris at Milan, nang may pagdaanan at mawalan siya ng kompiyansa sa sarili. Naging emosyonal din siya nang magbigay ng mensahe para sa kaniyang ina.
“Mommy ko, of course, you know my mom. She was my original ‘momager.’ And I was really going through something in my life. I lost my confidence. And ‘yun nga, nalulunod ako sa mga naririnig ko,” sabi ni Heart sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.
Sa kaniyang mga pinagdadaanan, inilahad ni Heart na ang kaniyang ina ang kaniyang naging sandigan.
“But the thing is, I couldn't work. And I'm there to work. So I really need my mom to talagang ‘Anak, gawin mo ‘to.’ So talagang siya ‘yung [nag-schedule], ‘Kailangan mo itong gawin, you have to do this, focus.’ To remind me of my worth. And it worked,” patuloy niya.
Ayon kay Heart, dahil sa pagpupursigi ng kaniyang ina, tumatatag ang kaniyang damdamin.
“Kasi ‘di ba ang nanay, o ang magulang, ‘pag sinabi sa’yo, lalaki kang bobo. ‘Pag sinabi ng nanay mo, ‘Kayang gawin mong lahat,’ magagawa mo talaga lahat,” sabi ni Heart.
Ayon kay Heart, na-enjoy ang kaniyang ina nang maimbitahan ito sa mga showrooms.
“Nahabol namin ‘yung moment. Kasi, iba talaga ang magulang,” anang Kapuso Global Fashion Icon.
Matatandaang may mga pagkakataong hindi naging maganda ang samahan nina Heart at ng kaniyang ina sa kaniyang karera.
“Dragon kasi 'yung mommy ko eh. Pero ‘yun kasi 'yung way niya ng pagmamahal. And looking back, I understand. I may not have given life to the children I have, but I really understand how a mother will do everything to protect her daughter,” sabi ni Heart.
“Pero now that I've gotten older, she is me and I am her,” pagpapatuloy ng aktres.
Hiling pa ni Heart na ibalik ang nakaraan para magkaroon sila ng kaniyang ina ng “additional years together.”
Edad 21-anyos pa raw si Heart nang huli silang bumiyahe ng kaniyang inang si Cecilia sa ibang bansa.
“Dati kasi maliksi siya, ngayon nakita ko na hirap na siya. So hindi ko talaga ma-imagine na bakit siya nahihirapan maglakad? Bakit siya napapagod? ‘Di ba hindi siya ganu’n? So there was a time na muta ako sa bahay. Iyak talaga akong iyak kasi na-realize ko na tumatanda na siya,” sabi Heart.
Emosyonal si Heart nang magbigay ng mensahe sa inang si Cecilia.
“Siguro, thank you for loving me so much. Makikipagpatayan talaga siya para sa akin kasi siya talaga 'yung nakakaalam ng puso ko kasi galing sa kaniya ‘yun eh. So thank you dahil as years go by, hindi niya nakalimutan kung sino ako. And salamat kasi hindi ko talaga mararating 'yung narating ko ngayon kung hindi dahil sa kaniya kasi kahit gano'n ka-tough siya sa akin nu’n, ang laki ng inayos ng buhay ko. Kahit ano nangyari sa akin, ang laki ng decision making ko, siya lahat ‘yun eh,” sabi ni Heart.
“And the character na akala ko na wala sa akin na pagiging matapang, siya rin pala ‘yun, pumasok din pala sa akin Tito Boy. So I'm so blessed. We're all so blessed to have mothers, parents. Kaya kung malayo tayo sa mga magulang, it's not worth whatever success. money. Time is not… it’s priceless talaga, it's priceless,” dagdag niyaa. – FRJ GMA Integrated News
