Binalikan ni Bianca Umali ang madilim na bahagi ng kaniyang kabataan nang maulila na siya sa kaniyang mga magulang sa edad na 10. Paano kaya niya ito hinarap, at nagamit upang humubog sa kaniyang pagkatao para maging matatag?

“I lost my mom to breast cancer when I was five. And I lost my dad to a heart attack when I was ten,” pagbabahagi ni Bianca sa kaniyang guesting kamakailan sa I-Listen with Kara David.

Dahil dito, inilarawan ni Bianca na “flashes of memories” lamang ang kaniyang alaala tungkol sa kaniyang ina, habang mas marami silang pinagsamahan ng kaniyang ama.

“Mas marami akong memories of being really a daddy's girl na nakabuntot lang ako sa kaniya hanggang sa office niya. But with my mom, since I was only five, sa totoo lang po, very konti lang. Flashes of memories lang,” saad niya.

Gayunman, malinaw na noon kay Bianca na mayroon karamdaman ang kaniyang ina.

Ibinahagi ng Kapuso star na parehong dating kasal sa ibang partner ang kaniyang mga magulang. Mayroong dalawang anak na babae sa unang asawa ang kaniyang ina, habang may anak na tatlong lalaki at isang babae sa unang asawa ang kaniyang ama.

“When they were both separated sa mga una po nilang pamilya, when they met, ako lang po ang naging bunga,” kuwento ni Bianca.

Nasaksihan niya nang personal kung paano pumanaw ang kaniyang mga magulang.

“Nakita ko po kasi sila parehas sa last breath nila, both parents.

And so I think, I mean for a 5-year-old and then a 10-year-old to process that, hindi po ‘yun madali to get over off, especially at that time,” ani Bianca.

Matapos pumanaw ang kaniyang ama dahil sa heart attack, naiwan na si Bianca sa pangangalaga ng kaniyang lola. Nagpunta naman ang kaniyang mga kapatid sa kani-kanilang naiwang magulang.

“I would say that it was not easy for everyone. It wasn't easy definitely for me. Pero being at that age, hindi mo pa naman talaga din naiintindihan yung sitwasyon ng kung ano ‘yung nangyayari. Actually, ang bilis nu’ng pangyayari. I think at that point then, no one really understood din how to handle things. Kasi nga po, ang daming naiwan, everything was so fast” sabi niya.

Sa ilalim ng poder ng kaniyang lola, inilarawan ni Bianca ang yugto nito ng kaniyang pagkabata na “in shock” o may pagkagulat.

“Nang naiwan po ako sa bahay ng lola ko, if I remember correctly, it was more being in shock of, okay, what's next? I didn't have options also. I didn't have people who were pillars of my life beside me at all. It was really, okay, dito ako kasama ng lola ko,” pagbahagi niya.

“The processing of it po sa utak ko ng mga panahon na ‘yun, it was very difficult to articulate and it was very difficult to figure out on your own,” sabi ni Bianca.

Kung kaya noong kaniyang pagkabata, inilarawan si Bianca ng kaniyang mga pinsan bilang tahimik, at nag-aalala ang mga ito na posible siyang nakaranas ng depresyon o trauma.

“Lumaki po ako sa loob ng bahay ng lola ko kung saan kami po ay umabot na 15 kaming mga apo na babae under her care,” kuwento niya.

“We were all girls, Ma'am Kara. Kaya po parang bahay ampunan ng mga babae ‘yung setup naming,” patuloy ni Bianca.

Sa kaniyang pagdadalaga, dumaan si Bianca sa yugto na pakiramdam niya na iniiwan siya ng lahat.

“Kasama po yan sa mga tanong ko rin dati na pakiramdam ko, bakit ako “yung iniiwan? Bakit? Bakit laging ako ‘yung iniiwan? And that resulted to me being afraid of people,” pagbahagi niya.

Bukod dito, natakot din si Bianca sa mga tao dahil tumatak sa kaniyang isipan na iniiwan siya palagi. Nahirapan din siyang magtiwala, kaya nasanay siyang walang kaibigan.

“People did not know who I was, especially when I was younger kasi I didn't know kung okay lang bang kumusap ng tao. I didn't know kung okay lang bang at least magpakilala,” sabi pa niya.

Dahil dito, nagkaroon ng impresyon si Bianca para sa ilan na mataray, masungit o hindi namamansin.

“But really, when I do get to share this with people, what I always say is that ‘yung mga panahon, lalo noon, na saradong-sarado ako sa mga tao. ‘Yung hindi ako kumakausap ng mga tao, hindi po ‘yun dahil sa ayaw ko. It was really because hindi ko po alam kung paano,” paliwanag niya.

Pag-amin ni Bianca, dala-dala niya ang sugat ng pagkawala ng kaniyang mga magulang hanggang sa kaniyang pagtanda.

“‘Yung coping with it, Ma'am Kara, is still continuously ongoing. Hanggang ngayon, I still am slowly understanding na ito pala yung sakit noon, ito pala ‘yung pain, ito pala ‘yung grief that I was going through. I think the pain becomes clearer as I grow up and as I go through the different phases and achievements of my life,” sabi ng aktres.—FRJ GMA News