Nagkaroon ng pambihirang pagkakataon ang programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" na makita ang mga labi ng tatlong tao na nakalagay sa isang kubo sa Banaue, Ifugao na nanatiling buo ang mga kalansay kahit hindi naman sila dumaan sa proseso ng "mummification."

Ang mga labi ay kinabibilangan ng mag-asawang Bayangan at Payyaga Limangya at anak nilang si Manuel.

Sinasabing 1960's pumanaw si Bayangan at 1970's naman sumakabilang buhay si Payyaga. Binawian naman ng buhay noong 2004 si Manuel, at isa raw sa naging bilin nito ay ihimlay siya kasama ng kanilang mga magulang.

Pero paano nga ba nangyari na nananatiling buo ang kalansay ng tatlo at tila may balat pa kahit hindi naman sila dumaan sa proseso ng mummification. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News