Isang mag-live in partner na naglalakad sa may Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila ang nasawi matapos silang pagbabarilin.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, inilahad ng Navotas City Police na nangyari ang insidente noong Linggo, at nakasakay umano sa kotse ang nakatakas na salarin.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakbo ang lalaking biktima sa isang bahay kung saan siya binawian ng buhay.

Ang biktimang babae, nakatakbo naman sa isang paradahan ng truck na sakop ng Navotas, at binawian din ng buhay kalaunan.

Tukoy na umano ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin.

Posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril sa dalawang biktima, ayon sa pulisya.—Jamil Santos/FRJ GMA News