Sa harap ng pangamba ng kontaminasyon sa mga itlog ng manok, isang dambuhalang omelette ang ginawa sa isang bayan sa Belgium.

 

(Larawan: Christopher Stern/Reuters)

Sa ulat ng Reuters, sinabing 10,000 itlog ang binati at sinamahan ng bacon at iba pang rekado para iluto sa isang dambuhalang kawali.

Ginawa ng mga residente sa Malmedy ang tradisyonal na pagluluto ng dambuhalang omelette sa harap ng egg contamination scare dahil sa paniwalang kontaminado ng pestisidyo ang mga itlog.

Nais nilang patunayan na ligtas kainin ang kanilang itlog at daan-daan tao naman ang nakilahok sa naturang pagtitipon.

Dahil sa pangamba na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao ang kontaminasyon, milyong-milyong itlog ang inalis sa mga pamilihan sa Europa. -- FRJ, GMA News