Isang high-tech gadget ang naimbento ng mga taga-Estonia na 'Click and Grow' para mapabilis ang paglaki ng halaman kahit walang tubig.

 

(Larawan: Screen grab mula sa Reuters TV)

Sa GMA News "Saksi" nitong Miyerkules ng gabi, sinabing kayang pabilisin ng hanggang 50 porsiyento ang pagpapatubo ng mga halaman kahit pa walang tubig hamit ang smart garden technology na "click and grow" process.

Sa naturang bagong teknolohiya na ipinakita sa consumer technology fair sa Berlin, Germany, kaya nitong magpatubo ng tatlong magkakaibang halaman na ilalagay sa kapsula na may lupa.

Mayroon na rin itong oxygen pockets para mas makahinga ang mga tanim at ilaw na katumbas umano ng sinag ng araw.

Nakuha umano ng mga imbentor ng smart garden ang kanilang inspirasyon sa ginagawang pagtatanim ng mga astronaut na nasa kalawakan. -- FRJ, GMA News