Naging palaisipan sa netizens ang lumabas na larawan sa social media tungkol sa labi ng isang hindi mawaring hayop-dagat na napadpad sa baybayin ng Texas matapos manalasa ang bagyong Harvey kamakailan.

Isang nagngangalang Pressti Desai ang nag-post ng larawan sa kaniyang Twitter account tungkol sa misteryosong hayop na may malalaki at matatalim na ngipin, walang mukha, at tila may mahabang buntot

"What the heck is this??" saad na caption ni Desai sa kanilang larawan.

"Hey guys, so this thing wasn't frightening, wasn't colossal, and wasn't a monster. It was just a damn sea creature trying to live its life," dagdag niya.

 


Sa isang ulat ng online news na "independent.co.uk," nakasaad na si Desai ay social media manager sa National Audubon Society.

Nagsasagawa umano ng pagsusuri si Desai, kasama ang iba pang conservationist sa naging pinsala ng bagyo sa beach ng Texas City, nang makita nila ang hindi malamang uri ng hayop.

 


May mga ekperto na naghihinala ang ang naturang misteryosong hayop ay isa uri umano ng eel na kung tawagin ay "fangtooth snake-eel" o "Aplatophis chauliodus."
Ang iba pang hinala ay isa itong "Bathyuroconger vicinus" o "Xenomystax congroides."

Makikitang umano ang mga naturang hayop ay karaniwang nakikita umano sa karagatan ng Texas. -- FRJ, GMA News