Sa halip na kotse, isang backhoe ang nagmistulang bridal car ng bagong kasal sa Mabinay, Negros Oriental.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing papunta na sana sa simbahan ang ikakasal na sina Marjun at Remelyn nang biglang tumaas ang tubig sa ilog na kanilang dadaanan.
Nagkataon naman na may napadaang backhoe sa lugar na rumesponde sa isang landslide kaya pinakiusapan nila ang driver nito na maitawid sila sa ilog.
Kahit buntis, lakas-loob sumakay ang bride sa backhoe kasama ang kaniyang groom para maitawid sila sa kabilang bahagi ng ilog at matuloy ang kasal. -- FRJ, GMA News
