Sari-saring mga kuwento—katatawanan, kababalaghan, at katatakutan—likas sa paggunita ng mga Filipino sa kanilang mga mahal yumao sa araw ng Undas.
Sa Iriga City sa Camarines Sur, kakaibang selfie experience ang hatid ng pakulo ng isang punerarya sa labas ng isang sementeryo. Pink kabaong selfie and hitsura ng selfie booth. Dalawang tao kasya sa kabaong booth.
Isang limot na sementeryo sa Siargao Islands sa Surigao del Norte ang binabalot naman ng kababalanghan.
Kung siksikan ang mga tao sa ibang mga sementeryo tuwing undas, ang isang ito sa bayan nga Pilar sa Siargo ay halos walang dumadalaw. At ilang mga puntod doon ay unti-unting natitibag sa paghampas ng alon dahil sa dalampasigan ang sementeryo.
Samantala, sa Isabela may horror treat para sa mga bumisbisita sa Japanese Tunnel doon. Naka-full costume at make-up ang mga kawani upang manakot ng mga bumibisita. —LBG, GMA News
