Nabitbit ng isang grupo ng Pinoy cheer dancers mula sa Iriga City, Camarines Sur ang walong medalyang ginto sa cheer-leading world championships sa Takasaki, Japan.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing ipinagmalaki ng grupong "MAG Dancers" ang kanilang napanalunang mga medalya at trophy.

Masaya rin ang koponan na nagwagi rin ang mga kasabayan nilang cheerdancers mula sa iba't ibang unibersidad sa bansa.

Mula sa 28 bansa, mahigit 100 team ang sumali sa kompetisyon. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News