Hindi naging hadlang sa batang babaeng si Riza ang kapansanan niya sa pangingin para ibirit ang kantang "Fight Song" ni Rachel Platten.
Sa GMA News "Unang Balita," sinabing nag-viral ang video ni Riza na kumakanta sa isang department store sa Quezon City, kung saan napahinto at napatingin din ang mga mamimili, mga tindero at tindera.
Proud din na nanood kay Riza ang kaniyang mga magulang.
Ayon sa guro ni Riza, masipag at mahilig talagang umawit ang bata kaya madalas itong naiimbitahan para sa mga performance sa eskuwelahan.
Umabot na ng mahigit 1.7 million views ang video. — Jamil Santos/MDM, GMA News
