Namataan ng ilang residente sa isang barangay sa Tiaong, Quezon ang isang maliit na buhawi nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, naging kapansin-pansin ang ipu-ipo na nabuo sa Barangay Lalig dahil sa nabuo nitong anyo mula sa tinangay na mga alikabok.
Nabuo umano ang ipu-ipo dakong 10:00 am at tumagal ng mahigit isang minuto bago naglaho.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at wala ring nasaktan. -- FRJ, GMA News
