Isang leatherback sea turtle na may habang aabot sa dalawang metro at bigat na tinatayang 300 kilo ang napadpad sa baybayin ng Sto. Niño, Samar nitong Sabado ng umaga.

Nagulat raw ang mga mangingisdang nakakita dito. Halos hindi na gumagalaw ang pawikan. Namatay ito nang dalhin sa tabing dagat.

Ito raw ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganitong uri ng pawikan.

Kakaiba ang leatherback sea turtle dahil ito ang  pinakamalaking uri sa lahat ng pawikan.

Photo courtesy: Rona Fe Oyon-Oyon

Ito rin ang itinuturing na isa sa mga pinaka mabigat sa lahat ng uri ng sea trutle at higit pa sa bigat ng mga malalaking buwaya ayon sa mga eksperto.

Ang leatherback sea turtle ay itinuturing na vulnerable o yung mga hayop na nanganganib nang mawala dahil sa paghuli ng mga tao.

Ayon sa nag-upload ng mga larawan sa Facebook, agad daw na inilibing ng mga residente ang pawikan.

Hindi na natukoy kung ano ang dahilan kung bakit namatay ito. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News