Nagtipon-tipon sa isang parke sa Paris ang ilang daang katao nang walang saplot sa katawan para sa inagurasyon ng tinatawag nilang Parisian Day of Naturism.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nagbilad sa araw ang mga kakalot o nudist at malaya silang nakapag-yoga at picnic sa itinakdang bahagi ng Bois de Vincennes park.

Ayon sa nag-organisa ng aktibidad, layunin nila na magpalaganap ng kamalayan tungkol sa nudism nang hindi sila naakusahan ng kahalayan o nakababastos.

Masaya naman ang mga sumali sa aktibidad dahil nakaramdam umano sila ng kalayaan. -- Reuters/FRJ, GMA News