Kinabiliban ng netizens ang isang security guard sa Davao City dahil sa todo-birit niyang pagkanta na pang-alis daw ng antok.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, ipinakita ang video ng guwardiya na si Roy Lincaoco na nag-viral sa social media habang todo-bigay sa pagbirit

Madalas daw kumanta si Lincaoco tuwing naka-duty para iwas-antok at hindi mabagot.

Maging ang mga empleyado sa establisimyento na kaniyang binabantayan ay aliw na aliw din umano sa kanilang singing sekyu. --FRJ, GMA News