Nag-viral ang pakulo ng isang netizen sa kaniyang suit-and-tie na porma na akala mo'y high roller sa casino, ngunit perya lang pala ang kaya niya.
Sa ulat ng Unang Balita, kinilala ang ala mayamang casino high roller na si David Sim.
Pormang pang casino pero barya-barya lang pala ang kaya ng kaniyang bulsa.
Sulit naman daw ang kaniyang pagsugal sa perya: Nanalo siya ng P8 sa roleta at P40 naman sa color game.
Pahayag niya, kagagaling lang daw ng tropa niya sa isang debut celebration at nagkayayaang mag-perya at hindi na sila nakapagbihis. —Jamil Santos/LBG, GMA News
