Nangayayat pero nakaligtas ang isang kaawa-awang kalabaw na mahigit dalawang linggong hindi nakakain at nakainom matapos mahulog sa makipot na hukay sa Dinagat Islands sa Mindanao.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Huwebes, sinabi ng may-ari ng kalabaw na Enero 13 pa nawawala ang kanilang alaga na inakala nilang ninakaw.

Mabuti na lang at may mga batang naghahanap ng panggatong sa lugar kung saan nahulog ang kalabaw at nakita nila ang kalunos-lunos na kalagayan ng hayon.

Nagtulong-tulong ang mga residente at dahan-dahan nilang hinukay ang lupa sa gilid hanggang sa makalabas na hukay ang kawawang kalabaw

Labis naman ang pasasalamat ng may-ari ng kalabaw sa mga nakahanap at nagligtas sa kanilang alaga.--FRJ, GMA News