Parang eksena sa pelikula ang nangyari sa isang lalaki sa Turkey matapos siyang umangat mula sa lupa nang umapak siya sa isang trolley na may malaking payong at nilipad ng malakas na hangin.
Sa video ng Reuters, makikita ang tatlong lalaki na mabilis na kumapit sa naturang trolley na may payong nang maramdaman ang malakas na hangin.
Pero hindi pala sapat ang bigat ng trolley para protektahan sila sa malakas na hangin dahil nilipad ito paitaas kasama ang isang lalaki.
Inabot umano ng ilang metro ang inilipad ng payong kasama ang lalaki, na bahagyang nasaktan ang paa sa insidente .
Isa pang lalaki ang dinala umano sa ospital matapos bumagsak ng payong. -- Reuters/FRJ, GMA News
