Nagkasagutan ang isang driver ng ambulansyang may ihahatid na pasyente sa ospital at isang traffic enforcer matapos mag-counterflow ang ambulansiya sa Cagayan de Oro City. Ang pasyente, namatay kinalaunan sa ospital.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing naantala ang biyahe ng ambulansiya dahil nakipagtalo sa driver ang traffic enforcer nang ilang minuto.

Pagkaraan ng ilang minuto, natuloy din ang biyahe ng ambulansiya patungo sa ospital.

Buhay pa ang pasyente nang dalhil sa ospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Iniimbestigahan na umano ng roads and traffic administration ang pangyayari.-- FRJ, GMA News