Dalawang araw nang nawawala ang batang si Austin na unang inakala ng kaniyang ina na kinidnap dahil sa resulta ng "pagtawas" ng albularyo. Pero laking gulat ng kanilang kapitbahay nang may madinig siyang iyak ng bata na nagmumula sa dingding.
Kaagad na ipinaalam ng kapitbahay sa ina ni Austin at barangay ang kaniyang nadinig kaya nadiskubre nila si Austin na nakaipit sa pagitan ng dalawang pader na halos isang dangkal lang ang pagitan.
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung paano nailigtas si Austin, paano siya napunta sa masikip na sitwasyon, at bakit sa kanila ng nangyari ay itinuturing masuwerte pa rin ang bata. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
