Matapos maitampok ang istorya ng isang binatilyo sa Leyte na natusok ang balikat sa bakal na gate nitong Agosto, isa na namang binatilyo ang nakaranas ng katulad na masakit na karanasan sa Antipolo. Pero sa pagkakataong ito, dalawang binti naman ang biktima ang natuhog.
Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," kung bakit nauwi sa disgrasya ang plano ng binatilyo at kaniyang kaibigan na manguha ng rambutan sa puno ng kanilang kapitbahay. Papaano kaya siya nailigtas sa kaniyang kalagayan. Panoorin.
PAALALA, SENSITIBO ANG VIDEO:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
