Kahit nasa ibang bansa, walang kawala ang isang amang overseas Filipino worker (OFW) na dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bahrain dahil sa kasong panggagahasa umano niya ng ilang ulit sa sarili niyang anak kapag umuuwi ng Pilipinas.
Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabing dinakip at naiuwi na sa Pilipinas ng NBI ang naturang suspek na OFW.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag. nadakip at napauwi ng bansa ang suspek sa pamamagitan sa extradition sa tulong ng Interpol at mga awtoriddad ng Bahrain.
Napag-alaman na may warrant of arrest na inilabas ng korte sa Trece Martires City, Cavite laban sa OFW.
πππ§π¬π’ππ’ππ¨π§π πππ₯π’ππ: OFW, inaresto ng mga tauhan ng NBI sa Bahrain dahil sa panggagahasa sa sariling anak | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/ejDIK0zIcP
β DZBB Super Radyo (@dzbb) May 29, 2026
Lumalabas sa kaso na dalawang beses na ginahasa umano ng suspek ang kaniyang anak na nangyari noong 2015 at 2016.
Nangyari umano ang krimen kapag umuuwi ng bansa ang suspek para magbakasyon at tinutukan nito ng patalim ang biktima at tinatakot.
Nasa kustodiya at nakadetine ngayon sa NBI ang OFW habang hinihintay ang utos ng korte kung saan ito ikukulong habang dinidinig ang kaniyang kaso. β FRJ GMA News

