Isang tindahan sa Pasay City ang suwerte at malakas ang bentahan dahil sa paniniwalang mayroong itong lucky charm—isang lumilipad umanong ahas at tagapagbantay ng kayamanan na nakunan pa raw mismo sa CCTV.

Nang una raw makita ng may-ari ng tindahan ang kuha ng CCTV, natakot sila kaya pinabendisyunan nila ang lugar.  Pero mula noon, hindi na nagpakita ang ahas at giniba na rin ang kuwarto para sa expansion ng tindahan. Pero nagpatuloy pa rin ang magandang takbo ng negosyo.

Para malaman kung mayroon ngang misteryo sa nakunan ng CCTV at kung totoo nga bang ahas ang gumalaw sa video, at kung saan nagmumula ang tila gintong liwanag, ipinasuri sa mga eksperto ang video. Alamin ang kanilang paliwanag sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News