Ilang beses nakitang palutang-lutang sa dagat sa Zamboanga del Sur ang isang misteryosong ataul. Pero dahil sa paniwalang malas ang hatid nito o maaaring magdulot ng sakit, iniwasan ito ng mga tao hanggang sa makarating sa bakawan at sumabit.
Kasunod nito, kung ano-anong kuwento na ang umusbong tungkol sa kabaong. May nagsasabing itinapon ito ng barko, o kaya naman ay lumubog ang barko na pinasasakyan nito. Pati ang kuwentong multo at pagpaparamdam, nadamay na rin.
Alamin sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung saan na napunta ang ataul at kung sa Saudi Arabia nga ba ito nagmula. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
