Maglalabas ng commemorative coins ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa selebrasyon ng ika-70 taon ng central banking sa Pilipinas at ika-25 taong anibersaryo ng institusyon.
Sa Facebook ng BSP, ipinakita ang mga larawan ng ginto at pilak na barya na kanilang ibebenta.
• 10,000-Piso Gold Commemorative Coin (for the 70 years of Central Banking in the Philippines, worth P127,500)
• 500-Piso Silver Commemorative Coin (for the 70 years of Central Banking in the Philippines, worth P3,500)
• 500-Piso Silver Commemorative Coin (for the 25th Anniversary of the BSP, worth P3,500)
Para sa mga interesado, dapat umanong umorder nang hindi lalampas sa January 15, 2020, "on a first mail-in, first listed basis," ayon sa BSP.
Hanggang isang uri lang ng bawat commemorative coins ang maaaring bilhin ng publiko.
Dahil malaking halaga ang mga commemorative coins, isasagawa lang ang cash payment at pick-up mula 9 a.m. hanggang 2 p.m. sa pinakamalapit na sangay ng BSP.
Kung hindi kukunin ang inorder na barya pagkaraan ng dalawang linggo, babalewalain na ng BSP ang transaksyon.—FRJ, GMA News
