Marami ang naaaliw sa mga nakakakita sa kabaong na umaarangkada sa kalye ng Cebu City. Pero alam ba ninyo na ang naturang ataul ay pinaghigaan talaga ng patay at ginamit sa burol?

Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," napag-alaman na ang tinaguriang "running" coffin ay pag-aari ni Jingle, na mahilig sa sasakyan at mangolekta ng ataul na ginamit sa burol ng kanilang mga kaanak.

Sadya raw kinokolekta nina Jingle ang mga ataul na ginamit sa burol ng mga namayapa nilang kaanak na pagkaraan ay ikrinimate [cremate].

Ginagawa raw nila ito para ibigay naman ang nagamit na ataul sa mga taong nangangailangan o kapos sa pera para ipalibing ang pumanaw na mahal sa buhay.

Nang malaman daw niya ang tungkol sa ataul na ginawang sasakyan sa Mexico, naisipan ni Jingle na gumawa ng sarili niyang bersiyon nito.

At ang naisipan niyang gamiting ataul, ang ginamit sa burol ng kaniyang biyenan na pumanaw dahil sa sakit sa puso.

Alamin sa video na ito ng "KMJS" kung papaano ginawang sasakyan ataul at kung papayagan ba ng Land Transportation Office na umarangkada ito sa national road. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News