Isang tindera ang halos nawalan ng malay matapos na sapakin ng  isang enforcer sa gitna ng isinasagawang clearing operation sa Tarlac Public Market.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes,  makikita sa kuha ng amateur video na may ibinatong paninda sa direksyon ng mga enforcer ang isang babae.

Ilang kapwa niya tindera at enforcer ang sinubukan siyang awatin pero tuloy pa rin sa pamamato ang babae.

Pero nang batuhin niya ang isang enforcer na malapit sa kaniya, bigla siyang sinapak nito.

Halos mawalan ng malay ang tindera dahil sa lakas ng pagkakasuntok.

Ayon sa ulat, ipinatawag ng lokal na pamahalaan ang enforcer.--FRJ, GMA News