Nahuli-cam ang ginawang pagholdap ng apat na lalaki sa isang bagong bukas na gasolinahan sa Pagadian City.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, makikita sa video na isa sa mga salarin ang puwersahang pumasok sa kinaroroonan ng cashier at kinuha ang P180,000 na kita.

Tinangay din ng mga kawatan ang baril ng guwardiya.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga salarin.--FRJ, GMA News