Nagsimula sa isang pusa na iniuwi ng kaniyang anak, ngayon, 480 pusa at 12 aso na ang alaga sa bahay ng isang babae sa Muscat, Oman.

Sa ulat ng Agence France Presse, sinabing ilan sa mga alagang hayop ni Maryam al-Balushi ay kaniyang sinagip sa kalye.

"My story with cats began with the first cat my son brought me. It was a small cat which he gave to me to essentially feed him. I kept the cat, raised him from a young age and from there began my world of rescuing cats," saad niya.

ADVERTISEMENT

Dahil sa apartment lang siya noon nakatira, limitado raw sa hanggang 30 ang kaniyang alaga.

Nang magretiro siya isang taon na ang nakalilipas, bumili siya ng bahay, na naging tirahan na rin ng mas marami pang pusa at ilang aso.

Sa video, makikita na magkakasama ang mga aso at pusa sa bahay kahit sa pagkain.

Kabilang daw sa kaniyang mga alaga ay ang Pharaonic cat na si Amurah,  na nakita niya sa Egypt.

"Amurah is a Pharaonic cat we found in Egypt on a trade ship with a large group. I bought her when she was 45 days old or even less. She is now five years old and doing well . She is a beautiful cat," sabi ni Maryam.

Sa ulat ng GMA News "Balitanghali," sinabing gumagastos daw si Maryam ng US$7,800 o katumbas ng P390,000 para sa kaniyang mga alaga sa loob ng isang buwan.--AFP/FRJ, GMA News