Mas maiintindihan na ang pagsasalita ng mga naka-face mask ngayong COVID-19 pandemic matapos na maimbento ang isang face mask na may built-in amplifier at microphone.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing dinisenyo ng isang gaming equipment maker ang naturang face mask.

ADVERTISEMENT

 

Dahil sa mikropono, mas malinaw nang maririnig ang pagsasalita ng tao na magsusuot nito.

Makikita rin ang bibig ng nagsusuot dahil transparent ang face mask.

Bukod sa pagiging waterproof at pamporma, meron din itong medical grade respirators kayang mag-filter ng 95% airborne particles.

Rechargeable ang face mask sa pamamagitan ng case na may kakayahang mag-disinfect gamit ang UV lights. —LBG, GMA News