Naantig ang puso at humanga ang maraming netizen sa pag-iyak ng isang babaeng tatlong-taon-gulang dahil sa pag-iyak niya nang sabihan siya ng kaniyang yaya na "patay" na si Papa Jesus.

Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikita ang pag-iyak ni Margot dahil sa lungkot nang sabihan siyang "patay" si Hesus.

Ayon sa mga magulang ni Margot, tinuruan nila ang kanilang anak na magpasalamat kay Papa Jesus sa mga biyaya na kanilang natatanggap.

ADVERTISEMENT

"Every night pag nag-pe-pray kami si Papa Jesus talaga 'yung kinakausap namin. We say thank you, then we say sorry. So siguro nagulat siya na bakit biglang namatay si Papa Jesus," ayon sa ina.

Nakahanap naman ng paraan ang mga magulang ng bata kung papaano nila maipapaliwanag sa anak ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni HesuKristo.

"I tried to explain it in the most simplest way na lang na Jesus has died already a very long time ago but eventually he rose again, after that he forever lives in our hearts," ayon sa ama.

Kaya naman kapag tinatanong na ngayon si Margot kung nasaan si Papa Jesus, ang sagot niya: "In the heart of the family."

FRJ, GMA News