Maaari na ring makakuha ng kuryente mula sa mga dumadaang sasakyan matapos maimbento ang mga wind turbine na nakalilikha nito sa Turkey.
Sa "Next Now," sinabing nakagagawa ng kuryente mula sa mga dumadaang sasakyan ang ENLIL, na ginawa ng design firm na Devecitech.
Kayang makapag-generate ng ENLIL ng 1kW kada oras o sapat na kuryente para sa dalawang bahay.
Solar-powered at compact din ang disenyo ng turbine kaya puwede itong itayo sa gitna ng highway na hindi nakasasagabal sa trapiko.
Bukod dito, may mga sensor din ang ENLIL para malaman ang lagay ng panahon at malaman kung may lindol.
Maaaring ma-access ang malilikom na datos sa isang mobile app. —Jamil Santos/VBL, GMA News
