Nalalapit na ang pagkakaroon ng mga taxi na lumilipad matapos isagawa ang test flight ng drone taxi sa Cormeilles-en-Vexin sa France.
Sa ulat ng Saksi nitong Biyernes, sinabing ang sasakyan ay isang electrical air taxi at tila higanteng drone na binubuo ng walong elisi.
Tanging ang driver at isang pasahero lang ang mga sakay sa test flight.
Sa ngayon, hanggang 20 kilometro lamang ang layong puwedeng liparin ng drone taxi.
Sinabi ng German company na bumuo ng drone taxi na target nilang magkaroon ng mga ruta para sa mga ito sa 2024, kasabay ng pag-host ng Paris sa Summer Olympics.
Gayunman, marami pang kailangang asikasuhin bago ito maisakatuparan. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News
