Nasawi ang isang 81-anyos na lolo sa Bangued, Abra matapos siyang suwagin ng kaniyang alagang baka sa tapat ng kanilang bahay.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon"" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Julio Vilguera, ng Barangay Sawatan.
Ayon sa asawa ng biktima, hinihila ng kaniyang mister ang baka sa tapat ng kanilang bahay nang bigla itong manuwag.
Tinapakan pa raw ng baka ang biktima na nagtamo ng malalang pinsala sa ulo.
Isinugod sa ospital si Vilguera pero binawian din ng buhay.
Anim na taon na raw alaga ng biktima ang baka na plano nilang ibenta.-- FRJ, GMA Integrated News
