Kinaaliwan ng netizens ang 12 fur babies na nananalangin muna bago sila bigyan ng treats ng kanilang fur mom.

Sa ulat ng Balita Ko, mapapanood ang video ng mga alagang Shih Tzu at Maltese ni Karen Dela Cruz o Fur Mom Khai na naghihintay matapos ang dasal bago sila kumain.

Ayon kay Dela Cruz, siya mismo ang nagsasanay sa kaniyang mga mababait na “batuta.”

Tips ni Dela Cruz sa kapwa niya fur parents na ituring ang fur babies bilang mga baby o family member para sumunod.

Mababait na, paborito pa ng mga aso ni Dela Cruz ang mga gulay.

Kaya naman sulit ang lahat ng pagod niya sa pag-aalaga dahil sobra rin ang ibinibigay nilang saya.

May mahigit 900,000 views at 32,000 likes ang kaniyang video.

 

@mommykhai24 PARANG MGA TAO!!! NAKIKINIG TALAGA!!! #fyp #furmommykhai ? original sound  - FURMOMKHAI PET SUPPLIES SHOP

 

—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News