Nadagdagan ang critically endangered species ng Sumatran rhinoceros sa pagsilang ng isang baby black rhinoceros sa isang santuwaryo sa Indonesia.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ipinanganak ang black rhinoceros sa Sumatran Rhino Sanctuary nitong Sabado.

Siya ang ika-10 na rhinoceros na maninirahan doon.

Base sa 2019 assessment of threatened species, halos 80 Sumatran Rhino lang ang makikita sa buong mundo at lahat sila ay nasa Indonesia.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News