Nahuli-cam sa Lipa, Batangas ang ginawang pagnanakaw ng isang lalaki ng mga damit na nasa sampayan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa labas lang ng isang bahay.

Ayon sa nag-upload ng video, bagong bili ang mga ninakaw na damit na nakasampay na pagmamay-ari ng kaniyang lola at pinsan.

Nalaman lang daw nila na ninakaw ang mga sampay nang suriin nila ang CCTV camera sa labas ng bahay.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng kawatan, ayon sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News