Kinagiliwan ng netizens ang isang aso na ginaya ang pose ng isang dinosaur mascot habang namamasyal sa Baguio City.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, tampok ang fur baby na si Rio, na mistulang “spot the difference” ang peg sa costume na dinosaur.
Isa lamang ito sa maraming tricks na natutunan ni Rio mula sa training ng kaniyang fur dad.
Kinaaliwan ng netizens ang video ni Rio na may higit kalahating milyon na ang views. – Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
