Nasawi ang isang construction worker matapos na aksidenteng tamaan sa dibdib ng bala mula sa “nail gun” sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabing 40-anyos ang nasawing biktima, habang inaresto naman ng mga pulis ang katrabaho nitong 28-anyos.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, tanghali kanina nang ipaayos ng biktima sa kaniyang kasamahan ang nail gun nang pumutok ito at tamaan siya ng bala sa dibdib.

Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay. –FRJ GMA Integrated News