Nahuli-cam ang ginawang pagpapalit umano ng plaka ng isang driver sa kaniyang sasakyan habang nakatigil sa isang establisimyento sa North Luzon Expressway (NLEX).
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, sinabing nakuhanan ng litrato ang driver nang palitan niya ng temporary plate ang kaniyang sasakyan.
Nakarating sa kaalaman ng Department of Transportations (DOTr) ang insidente sa tulong ng Facebook page na “Parkserye.”
Sinuspinde ng DOTr ang lisensya ng driver ng 90 araw, at nagpalabas din ang Land Transportation Office ng show cause order para pagpaliwanagin ang driver sa kaniyang ginawa.
“The above said motor vehicle is hereby placed under Alarm, preventing any and all transactions while under investigation,” ayon sa DOTr.
Bukas ang GMA Integrated News sa panig ng driver.—FRJ GMA Integrated News
