Kinagiliwan ng netizens ang isang pusa, na tumangay ng isang buhay na manok at ipinasok ito sa bahay ng kaniyang amo sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang video ng pusang si Zander, na nagmamadali pero smooth naman ang pagpasok sa gate ng kanilang bahay.

Iyon pala, may dala-dala na siyang buhay na manok.

Ayon sa furdad na si Benjohn Padua, nahuli ng kaniyang pusa ang ligaw na manok sa kanilang subdivision.

Pagbibiro ni Padua, baka naiisip ni Zander na wala na silang makain.

Huli pero hindi kulong si Zander dahil pinakawalan din naman ang manok.

May halos 400,000 na ang views ng video ng pusang si Zander. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News