Biglang napatigil sa arangkada ang mga motoristang dumadaan sa isang bahagi ng national highway sa Dauis, Bohol dahil sa bumulagang paslit na mag-isa lang at nakaupo sa gilid ng kalsada.
Sa isang ulat ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing nakasuot lang ng diaper at damit ang paslang pero walang sapin sa paa.
Isang rider bumaba sa kaniyang motorsiklo para kunin ang paslit habang hinihintay kung may kukuha rito.
Ayon sa uploader ng video, dumating naman kalaunan ang mga magulang ng paslit at kanilang kinuha ang anak.
Inaalam pa kung papaano napunta ang paslit sa gilid ng highway pero may ulat na ang away umano noon ang mga magulang ng bata. – FRJ GMA Integrated News
