Sa panahon ngayon ng quarantine kung saan napapasarap ang kain at tulog ng ibang tao, hinikayat ni Lovi Poe na huwag pa ring kalimutan ang pagiging healthy, lalo ang pag-e-ehersisyo.

“Ang mindset ko talaga ngayon is to keep myself healthy. Kasi may times siguro nag-let go din talaga ako but then I realize na itong pinagdadaanan natin ngayon, now is not the time to actually let go, kailangan talaga natin to be healthy,” sabi ni Lovi sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado.

Kaya sinisiguro ni Lovi na mapanindigan ang kaniyang active lifestyle kahit pa may mga oras na nakakatamad at mas masarap na matulog at kumain.

ADVERTISEMENT

“Make yourself good kasi at the end of the day habang nagwo-workout ka, it’s not just about how to look good, it’s about how you feel inside. So when you work out mas nagkakaroon ka ng happy hormones, ’yun ang number one habol ko ngayon, kasi hindi naman natin naiiwasan to feel anxious during this time,” sabi ng Kapuso actress.

Bukod sa pag-exercise, achievement unlocked na rin ang bago niyang natutunang skill na pagluluto.

Hindi raw marunong magluto si Lovi dati, pero siya na ngayon ang naghahanda ng kaniyang healthy meals.

“I realized na I know how to do this pala. Kasi lahat sa pamilya ko, my mom, my sister, mga titas ko, mga pinsan ko lahat sila magagaling magluto.”

Nagsusulat din si Lovi, at plano niyang ibahabi ang kaniyang experiences sa COVID-19 pandemic. – Jamil Santos/RC, GMA News